Give me reasons to stay.
Friday, July 31, 2009
Cuz At Nights I Cry
Thinkin About You, Baby
Can't Do Without You Baby (Please Believe Me)
- Long Distance Relationship by : Asia Cruise
Adv. Algebra sucks. @-( It really does. Daaang!
Tired, super. Aalis pa ata ng 1 week si Mama and Tere para magpahinga. Nagsasawa na sila sa gulo dito sa bahay. Pati ako nagsasawa na. Like everyday, puro away. Kahit ayoko magpa-apekto sa mga bagay.. naapekuhan ako. :\ It's really annoying. Sana naman hindi sila matuloy. If ever, sana bumalik sila sa birthday ko. Like.. ilang days na lang.. 4? Birthday ko na. Hindi ko pa din mafeel ang essence nito. Kulang na kulang ang buhay ko. Andami pang pino-problema. Dumadagdag na ang dancepro. Kailangan pa asikasuhin syempre si Jonie, ang lead choreo. @-) Haay. Nakakasira na ng ulo. Kanina pa ako nagrereflect sa buhay ko. Wala na akong matinong naiisip, wala akong mapuntahan. :( I feel so
ALONE. Nagsasawa na ako sa ganitong buhay and wants to giveup na. :| Taee. Bat ba ang drama ko na ng bongga ngayon? Putanginang buhay `to, o.
Sabi mo sa kaibigan ko, mahal mo ako. Pero.. ba't di mo pinapakita? Hindi ka nagpaparamdam. Minsan kung magtext ka, parang kaibigan mo ako. Ayoko na lang magreply, madedepressed nanaman ako.
Nakakasawa na. HINDI NA NAKAKATUWA. Hindi na nakakatuwa ang lahat ng nararamdaman ko. Parati na lang ako ang talo. Parati na lang ako ang talo sa buhay. :|
AYOKO NAAAAA. >:((((
Just the thought of you.
Wednesday, July 29, 2009
Grabe, streeeeeessss ulit. :\ Hay grabe, 4 ata quizzez bukas tas may reflection pa akong ginawa. God, thank you walang pre-lab na pending kundi, I'll die. Surely. :| :)))) Nothing much happened? Uhm, leadchoreos are in their training na. :D Haha. Goodluck, Jonie. ;) Napasa na din ang costume. Love it! Sorry UNOs dahil mahirap tahiin ang mga sequins. Yun kasi ang magbibigay ng shine, e. Ang corny naman kung tela lang, diba? :))) Haha! So, til here. Thursday na bukas. :> Expecting B! :D Haha.
But change makes me break out into big hives.Au Revoir. ;)
Fidelity.
Tuesday, July 28, 2009
Ngayon na lang makakapagpost. Grabe ang araw ko kahapon. Walang pumasok sa utak ko, puro iyak. Andaming instances na nahuli akong umiiyak ng kung sino2. :| Pati parents ko. Damn! :| :))) Ito yung unforgettable ko :
isang architect ni papa : uuy, bat ka umiiyak?
ako : (patay, ano ssbihin ko dito?) uhhhh. ate, tignan mo tong Rizal na minememorize ko, o. grabe.. ang hirrraaap! naiiyak na talaga ako. :|
AHAHAHAHA! TAE, ANG BENTA AA. =))))))
Hay, kaloka naman. @-) Pero anyway nasa part na ako ng acceptance. May tinext siya sa aking sobrang nakaka.. AWW. Grabe, nakakaiyak na ewan. Nakakakilig din. Myghaaad. :"> :''')
So ito, ano bang nangyari sa araw ko ngayon? Uh, medyo pagod naman. Tas quiz nanaman sa Pinoy tom. OOOOMG! Sana di ako bumagsak sa quiz namin ngayon. Kaloka! :| Anyway, sige. Aral na ako.. KAILANGAN KO MAGING OS; to win you back! Teehehehehe. ;;) Joke. ;) B kasi ee. =)) Amp! Loveyou. :*
Au Revoir. ;)
The way I do.
Sunday, July 26, 2009
.. ended. June 22, 2008 - July 25, 2009.
The real commitment is GONE. Wala, she ended it na. But still, 17 is still going on.
It's not OVER. I just stopped it. Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang tunay na nararamdaman ko kagabi. Hindi ako makaiyak pero sobrang "ARAY". Medyo nahirapan pa ako huminga nung una. Ang sakit, e. "Ayoko na MUNA", exact words from her. "Break na muna tayo". Di ko alam ba't ako nasasaktan. E, wala lang namang commitment. Hindi kaya takot akong mawala na siya ng tuluyan sa'kin?
Nung una, nahihirapan ako magdecide. Kung sino-sinong kaibigan ang kinunsulta ko. Kung papayag na ba akong na break na or paglalaban ko pa din. But Mk, gave me the best answer.. "Kung saan siya masaya". Oel, wala na akong magagawa. Ayan na, I gave you your freedom. Pakasaya ka. Free as a bird ka na. Pero ako? I feel na nakakulong pa din ako.
Nakakulong pa din sa puso mo. Alam ko kasi na sa'yo lang ako naging masaya at magiging masaya. Alam kong madami pa diyan. Pero sa ngayon, nakakondisyon ang puso ko sa iisang tao lamang.
At IKAW ito, B. :( Hay. Alam ko magkakaroon din ng tamang time na babalik ka. At ang tamang time na babalik din ako sa'yo. Wala namang magbabago diba? WALA. :| Ikaw lang ang mahal ko. Tinupad ko ang pangako ko, naging loyal na ako sa'yo. Ngayong talagang-sobrang mahal na kita, sana di mo to ginawa. Pero okay lang, isa lang to sa mga bagay na dadaan sa'tin. :|
Enough said. :|
I love you so much! I do. :'( :)
Naalala mo pa ba?..
.. and TS natin. :|
Now I can't go on without youI'm naked, I cant fake it.
I'm not that strong without youNever thought I could love you
the way I do.Au Revoir. ;)
My last piece of pizza is for you.
Saturday, July 25, 2009
.... Prayed hard today. Nothing much, I guess. :| :)
Pwede na akong mamatay.. pagnakapunta ako sa Europe kasama Siya. :"> Siguro, yan ang pinakalongest term ko na dream..
Like what, Frances told me.. wag kong iisipin na SANA lang ang mga bagay mo.. Isipin mo na, magagawa mo yun. Think positive, Clare. I know we can make it through, B! ;;) :> :* :)
Au Revoir. ;)
Just say a little prayer.
Okay, I saw something. Kitang-kita ko na July09 lang. So this month lang `to. Since natutunan ko sa TLE na walang magagawa ang "jealousy", hindi ko to paiiralin. Pero what the heck, Clare. Natutunan ko din na dasalan na lang yung taong pinagseselosan mo. Siguro nga, that's the best thing to do since ayoko ng away dahil baka humantong na naman tayo sa stage na gusto mo na makipaghiwalay. :| :) Miss na kita, alam mo ba yun? May classes ka pa ngayon. :| Hay. IMYSM, B! :*:*:*
Why don't you and I?
Friday, July 24, 2009
Grabe, sobrang pagod ako kahapon. Kaninang umaga nga lang kami nakauwi ng magulang ko, e. :)) Nanuod ng HP6 sa TheBlock. 6:30 pa lang nandun na kami. Nagtagal sa cine at sa Hypermart. B-) Inikot ata ang buong Hypermart kaya mga 11:30 na umalis dahil kumain pa. LOL. Ewan ko ba, medyo naguluhan ako sa story. Parang ang haba-haba ng movie pero iisa lang ang gustong iparating. Mas gusto ko pa din ang dating mga HPs. Parang nakacenter sa potions, lovelife, Malfoy at Snape lang aa. :| Nakakabitin, harhar. Osiya, magbabasa pa ako.
Things to read for this weekend.. HOPE MATAPOS LAHAT! @-)
Noli Me Tangere(up to 32)
The Pearl
By the River Piedra I sat down and wept (nabasa na last summer, kailangan uliting for TPN)
Rose for Emily
SocSci book.
Wooooah. @-)
Missing B! :( :*
Au Revoir. ;)
Let me love you.
Thursday, July 23, 2009
Grabe, malapit na akong maloka. Long Quiz naman sa Adv. Algeb bukas. Hindi ko na ngang iniisip na mahirap to, e. Pero bat ganon, ang hina ko talaga sa algebra? Sana ang math ng HS,parang GS lang din. :| Sigurado na akong OS na ako. AY, LAKI ULO. JOKE. =))) Benta nung patapos na yung lunch. Spy moment with my bestfriend! :> :))) Darn Bez, salamat sa lunch. Sobrang tawan-tawa ako, e. Seryoso pa natin e. AHAHAHA! NAKAKAULOL, SOBRAAAA. @-) HAHAHA!
Went to gt3 nung uwian, pumunta kasi si B e. :> :) :D Saya ko,e? Kinuha niya yung annual niya. She's with HD and other iv5 batch09. ;;) Bumili din ako ng brownies kay Gwen at binigay ko kay B.:) Nakakatuwa, binigyan niya si Ms.Gino. EHEM, GWEN. EHEM. =)))) HAHAHAHA!
Then, consultation with Bez! :> GHAD. NAULOL KAMI! X(( After that, nasa labas kami ng consul tapos nagaral pa kaming dalawa. Tinulungan ko siya sa Geom. ;) Ayun. Dumaan si Sir Dave tapos nagpaturo. Wooooh. :)) Benta siya magturo. Then dumating ulit si Babe. :> Hay, medyo.. nabawasan yung sakit ng ulo ko. ;) Thanks, B! I love you so much. :* :) Sinamahan niya ako sa STC hanggang 7PM. :>Aww. Buti na lang wala siyang pasok. Nung nasa 2nd floor kami, andaming pumapasok sa utak ko non. Sobrang nagflashback sakin memories namin nung nasa STC pa siya. :| :( :D Hay, bigla akong nagsisi. :| Naalala ko yung ginawa kong "pagtataksil" nung patapos na ang year last year. Parang imbis na magpakasaya kami dahil last year na niya sa STC..may nangyari pang unexpected. :\ Pero okay lang. Distance doesn't matter. Kahit di na kami gaano nagkikita dahil graduate na siya, alam kong mahal niya ako at mahal ko siya. :"> Naalala ko yung sinabi nanaman ni Ms. Gino. LOL. Haha! :D Too much for today, MASAYA LANG AKO. PERIOD. :D
Noong nasa car na kami ni Papa. I asked him a question, di ko inakalang seseryosohin niya ang sagot. B-)
Ako : Pa, bakit ginawa ng Diyos na magkasakit tayo?
Papa : Kasi anak, tuwing nagkakasakit tayo.. dun lang natin siya naalala. May mga taong hindi marunong magpasalamat sa mga bagay na biyaya sakanila ng Panginoon.
--WOW, GUMAGANON. =)))
Aral mode na.
Au Revoir. ;)
Egocentric.
Wednesday, July 22, 2009
Jusco, ansakit ng balakang ko ngayon. As usual, what's new? Stressful day. Nakakapagod talaga. 3 LQ DONE. May 2 pa bukas. Kakatapos ko pa lang gumawa ng ASA at PRELAB AGAIN! My God, chem. :| Pasalamat ka may goal ako this year kaya hindi ko kayo binabaliwala. :)) Amp. No problem with SocSci. :> Basta, di dapat ako mamental block bukas. Super nawala sa utak ko yung mga pinagaralan ko sa Rel kanina. :( Nakakaloka. :| Pumunta pa kasi ako sa YP at ako pa ang pinagsulat sa board para sa meeting nung mga staff ng dancepro kanina. :\ Di tuloy nakapagreview. Amp.
Currently waiting for B's call. :| :)
* Need to study na. It's LongQuiz, Clare. Long Quiz. :| Goodluck to me and UNOs. :">
Trip ko ang kantang "Going Under" na instrumentals para sa DP. :> :P
Lastly, HAPPY 22 BABY! :* I LOVE YOU SO MUCH! Au Revoir. ;)
Isn't that why life is such a mess?
Tuesday, July 21, 2009
Went home at around past 6. Pagod na pagod at stress na kagad. Kakatapos ko pa lang gumawa ng Pre-Lab at ASA. Wow, medyo madali naman kaso nahihirapan lang talaga ako sa mga drawings sa Pre-Lab. Tulog ako nung namimigay ang Panginoon ng talento sa pagdadrawing. Haaay. :)) Nasa tapat ko naman ngayon ang Geometry book ko at naghihintay ng aralin ko siya para sa LQ1 namin bukas. Samantalang ang Religion book ko naman ay nasa bag ko pa, naghihintay din na para aralin ko bukas para sa LQ1. Naloloka na ako. Parang nafefeel ko na talaga ang stress sa buhay 3rd year. Good thing, pumunta si Babe ngayon. :D Yie. :"> Tsaka ito pa ang masayang nangyari, sa wakas.. tapos na ang III-1 sa script para sa dance pro. :> YEHEY. Ito pa ang nagpasaya lalo, ginawa ni Ms.Saci na example ang script namin. :> Nakasulat sa buong board ang ginawang script ni KatMal. :> Thanks III-1 sa contri. ;;) Ghad, costume naman ang poproblemahin ko ngayon at ni Bea. Hirap din maging director, minsan.. hindi ko na nginunguya yung kinakain ko para lang makapunta sa mga meetings. Pag nalate ka pa, sandamakmak pa ang sasabihin. :\ Buti nalang, isang beses lang ako late at 4 din kami. =)) Puro kabatch ko pa. Atleast, nakabawi naman sa pinasa kong script. Demmn! Ang saya din nung CAE at SocSci Period. :> Naiinspire na rin akong mahalin ang Algebra dahil kay SirGeom. Naparealize niya sakin ang madaming bagay. ;;) Wee. Osiya, madami pa akong gagawin. :| :)
Au Revoir. ;)
There's a truth in your eyes.
Monday, July 20, 2009
Wow, parang 1st day ang grand entrance ko kanina sa pagpasok. :"> Touch naman ako at namiss ako ng mga iii1 at ng mga iba ko pang kaklase dati. ;) Jusco, kalat talaga yang issue na naconfine daw ako. HAHA! myghad, hindi naman kasi. naka-bed rest lang ako for 1week. Buntis kasi, e. HAHAHA! =)) Kidd. Anyhoo, sobrang pagod today. Anlala nung launching, sobrang antok ako. Si Reizelle lang ba naman katabi ko! Napakatahimik na bata. :O HAHA. Well, normal day. Slept at sir geom's period. :\ Sorry sir, di ko na talaga nakayanan! :| Well, normal lunch. Nag one-on-one with Sir Geom nung uwian.Wee, mas gusto ko talaga ng 1-on-1, mas naiintindihan ko. XD Rar. Tapos after one hour, went to gt.1. Such a loner, wala ng tao. LOL. 5:30 na ata yun or what. :)) Tapos tumawag ako kela B, wala nanaman siya sa bahay. Got sad again or whatever. Pero nafefeel ko nasa gt3 siya. Sobrang pagod na ako so di ko na kinayanan papumunta dun. :| Guess what, she's there. BOOM. Buti na lang tumawag na siya sakin nung paguwi ko nung 8. Kainis. Good thing, pupunta siya ulit bukas. :">
I'm so glad B na maayos na ulit ang academics mo. I know na kaya mo magawa lahat ng goals mo. Inspiration mo ako, e? AY. YIEE. Yey, patapos na ang prelims mo sa wednesday! :> Partuuuuy! Kiiddd. Thanks for being my inspiration too. I love you and I'll always be here to support you, Baby. :*
So, til here. Too many LQs pa and HWs.
Ghaaad. I really have a plan to run. (hindi literal, `neng. :)) ) Kaso.. wala lang. HAHAHA! Si B lang makakagets nito. >:P
A little bit of time wouldn't hurt.
Sunday, July 19, 2009
Don't know what I'm feeling right now. I said I trust you. Pero something's wrong na talaga na ewan. :\ You always promised na tatawag ka. Buong araw kong hinintay tawag mo, wala. Tumawag ako sa inyo,tulog ka naman na ngayon. :| Chineck ko ang phone ko, nagtext kang di ka pupunta.
"clare" na lang ang tawag mo sa'kin. What's wrong? May ginawa ba akong di mo ginusto? Lahat na nga ng ginagawa ko, bago ko gawin.. Iisipin ko muna kung ayos ba to para sayo or satin. Mas lalo na ngayon, ayaw kong nasasaktan kita. :| Hay. Sana naman AKO LANG ang mahal mo. Ayoko isipin pero minsan naiisip ko kung nafafall-out ka na ba sakin dahil college ka na at
highschool lang ako. :\ Hindi na tayo magkasama at lahat. Everyday kahit busy ako, I always find time para makausap ka kahit patulog na ako.
I wish and pray na kahit 5 minutes lang of your entire day, makausap mo ako or pagbigay time ka naman para sakin. Hiling ko lang, kahit
limang minuto lang, ikasasaya ko na. :| :D Hay, tama na Clare. Di ka na din naman tumawag. Pati cellphone, nakaoff. :( Di ko na talaga alam. Pero kahit ganito, mahal kita kaya wala akong balak na palitan ka. Kahit kailan.
Mahal kita, B. Mahal na mahal kita. :* :| :)
I really miss you.
Hay, parang kadrama-drama ng araw ko ngayon. Alone pa sa bahay. :|
Hinihintay ang tawag ni B. Sabi mo tatawag ka, e. Pero nung tumawag naman na ako sa inyo, wala ka na daw. Ganda. Alam mo bang miss na miss na kita? As in, SOBRA. Nakakainggit na yung iba. Nakakamiss naman at parang sandali lang ang one year natin na pagsasama sa STC. College ka na kasi, e. :\ Pero sabagay, hindi naman ganon katagal pa ang pag-graduate ko, e. Kaya natin to. Tulad ng sabi mo, ikaw naman ang maghihintay sa graduation ko. Aasa ako na makakapunta ka dun hindi dahil kaibigan na lang kita pero IKAW pa rin ang girlfriend ko. :> Mahal na mahal kita. B! Kahit di na tayo gaano nakakapagusap ngayon dahil busy ka, okay lang. At busy din pala ako. :| I know you trust me. :) And I trust you too.
Ikaw lang ang mahal ko at wala na akong plano maghanap pa ng iba. See you tom, Baby! :*
Magandang Paninimula.
Saturday, July 18, 2009
Ano ba naman yan, nakakatamad gumawa ng mga bagay-bagay. One week akong absent sa school dahil sa isang malubhang sakit. :| Amp, tambak ako ng sangkaterbang gagawin. Ghad. Andami ko ng gagawing problem sets tsaka isang ASA tapos nakalampas ako ng isang quiz sa Algeb, pero buti na lang at algeb lang. Pero, di ko pwede iLang lang ang algeb, e. AYK. :)) Sobrang sipag ko pa kaninang umaga tas kailangan ko pumunta sa tita ko dahil aalis na siya papuntang Australia. (she's on the plane right now) Yay! Siya kasi yung medyo di ko like na aunt, e. HAHA! K, sama e? :P Anyhoo, sabi ko uuwi ako after lunch but boom. 6 na, dun pa lang kami pauwi. LOL. Nanuod pa kasi ako ng Hotel for Dogs tsaka sinimulan ko ang Love In the Time of Cholera. Demn! Ang ganda, both. :) Tapos nagY!M pa ako with my other fave tita, pinsan and one of our family friend. Tuwing Sunday, we get online tas may niloloko kaming ARABO! =)) LOL.
King Singh ang name niya. Matagal na namin siyang niloloko. We also have our YM na panloko.. it's.. SECRET! XD HAHA! Anyhoo, nakakatuwa kasi sila. Nagpakilala kami as Tasha. We got the name Tasha from our little chiuaua. :"> Haha! Andami na naming naloko pero ang kumakagat samin ng bongga ay si KING. >:)) HAHAHA! Benta much siya. 3 babae ang pinagpipilian niya. Tasha is my aunt while ako si Regina este Regie.. kapatid ni Tasha. LOL. And sometimes yung pinsan ko si Tasha then our other family friend ang nagpapangap na "aunt" ni Regie at Tasha. Tasha is 15 while Regie is 20. Nakakatuwa talaga siya lokohin! Tawang tawa kami. :)) Tsaka looking forward siya. Kanina lang namin pinakilala si "Regie". HAHA! He's inlove na daw with her. GUSTO NA DAW NIYA ITO PAKASALAN! We got all the fake pictures in friendster. With all the people we didn't even know. We're such a meanie. >:) HAHA!
Kausap ko si Alecs ngayon. Demn. Nagiinit ulo namin kay ANOOOO! >:)))HAHAHAHA!
Till here. Au Revoir! ;)
HELLO.
Thursday, July 16, 2009
GRABE,ISANG TAON NA ANG NAKALILIPAS. :)) well, ngayon na lang ako magpopost ulit dito. Sa susunod, wala pa akong masabi, e. :)))) HAHAHA!